Martes, Disyembre 6, 2011

Retorika

TANONG:
1.)    Bakit mahalaga ang retorika sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao?

2.)    Anu-ano ang kahalagahan ng retorika sa (1) Edukasyon; (2) Relihiyon; at (3) Kursong kinuha?

SAGOT:
1.)    Ang retorika ay ang pagpapahayag o pagsasalita sa harap ng isa o maraming tao, sa makatuwid, mahalaga ang retorika upang makapagpapahayag ka ng iyong mga nararamdaman sa mga bagay-bagay. Mahalaga ito sa pang-araw-araw dahil kapag walang retorika magiging napakatahimik ng mundo at walang komunikasyon at interaksyon ang magaganap sa bawat isa, hindi magagamit ang wika ng bawat isa at wala nang pagkaka-intindihan sa bawat indibidwal. Mawawala an gating pagkakaisa.

2.)    * EDUKASYON :

Mahalaga ang retorika sa edukasyon dahil ang kinakailangan nating magamit ang wika, kinakailangan nating masabi o maipahayag ang ating mga ideya, pananaw sa mga bagay-bagay at sitwasyon o mga kaganapan sa ating kapaligiran. Halimbawa na lamang sa para sa ating partisipasyon sa klase ay kinakailangan nating mag-salita para sa ating resitasyon, para tayo’y makapag resita ay kinakailangan natin ang retorika, kinakailagan natin ang wika upang masabi o masagot natin ang mga katanungang binbato sa atin n gating mga guro.
*RELIHIYON :
Mahalaga ang retorika sa relihiyon dahil ang retorika ay maaaring ginagamit rin sa panghihikayat. Tungo sa retorika maaaring mahikayat ng isang tao ang marami pang mga tao sa pamamagitan ng retorika. Halimbawa na lamang, ang pagsasalita ng isang pari sa tuwing siya’y nagmimisa sa harap ng maraming tao ay matatawag na retorika, siya ay nanghihikayat sa intindihin at tanggapin ang salita ng Diyos.
*KURSONG KINUHA :
Sa kursong aking kinuha na Bachelor of Science in Community Development, mahalaga ang retorika dahil  kinakailangan rin namin sa aming kurso ang pagpapahayag ng aming mga panananaw sa mga ispisipikong problema sa mga komunidad. Halimbawa na lamang, sa pagsusurvey sa mga tao sa isang komunidad ay mahalaga rin ang retorika dahil kami ay nanghihikayat rin ng mga tao upang hayaan kaming mapag-aralan ang problema sa kanilang komunidad. Mahalaga rin ang retorika dahil sa kursong ito maaari ring kaming magsalita sa harap ng maramaing tao kapag kami’y magpapahayag ng aming mga objectives sa rason ng aming magpunta ug pagdayo sa  lugar o komunidad na aming napili.

2 komento:

  1. Slot Machines Online | Live Games, Live Dealer
    Play free and exciting slots at Lucky Club! Sign up today to claim your welcome bonuses, read our review, get latest luckyclub news, and updates. Rating: 5 · ‎1 vote

    TumugonBurahin